Travel

Batangas, Philippines

Processed with VSCO with c1 preset

I grew up in a little town in Batangas. For me, my unexplored “home”.

Hindi pa naman ako ganun kainteresado dati sa traveling though ‘nung bata ako meron na akong thought to travel the world. But y’know? The last thing na gusto mong i-explore ay ang nakasanayan mo na. Gaya ng nabanggit ko sa first blog ko na New Home – Cebu City, Philippines, dito na ako nakatira (sa ngayon) sa Cebu City. This trying-hard-na-Andeng-sa-Visayas ay bumisita ulit sa Batangas after 5 months and used my time para hindi maging turista sa sariling bayan.

Soooo, here it is! BE ANDENG IN THIS WORLD FULL OF GRACE! char lang. A complete weekend getaway for you dahlin’.

1. Fantasy World

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Every princess deserves a prince. NO. Every princess deserves a CASTLE. char lang. So, eto nga. Alam kong gustong gusto mo ng disney-experience without booking a flight. Jeep lang bes, go ka na!

Travel Guide:

From Manila, sakay ka ng bus sa Buendia going to Lemery. Pagdating mo ng Lemery, sakay ka ng jeep sa Lemery Public Market going to Boundary/Payapa then sabihin mo Mayasang. Part parin eto ng Lemery. Meron syang entrance fee mga bes pero pasensya na dahil hindi ako sure kung magkano at syempre ayoko magbigay ng wrong info (the time I went here iba ang rate namin since photoshoot kami) Fare: 30-40 Php 

Tips:

After mo dito, pwede ka dumiretso sa Tagaytay. Sakay ka ulit ng jeep/tricycle sa main highway tapos dadalhin ka nila sa isang ginagawang daan, tawid ka lang dun. Pwede mo na lakarin papunta sa Boundary tapos dun, meron ng jeep/bus going to Tagaytay. Easy!

2. Taal Heritage Town

Processed with VSCO with c1 preset

Kung kagaya kita na tamad bumyahe ng malayo tapos land trip (kasi bes talagang nakakaubos ng energy) punta ka nalang dito sa Taal, Batangas. This town will take you back to your roots.

Processed with VSCO with c1 preset

First, I went to Taaleña Antique Shop, pinanood ko si lola gumawa ng upuan, mano-mano. That’s the first time na may nakita akong gumawa ng furniture na ‘yun. Matibay daw ‘yun lalo na kung hindi plastic ‘yung material. (parang friendship diba? mas matibay kung hindi plastic. hahaha! charot)

Processed with VSCO with c1 preset

C5773EED-43EA-4C85-A5CF-8CA66A417803.jpg

Nagbebenta din sila ng mga vintage na soft drink bottles. Pinakamura daw nila ang 300 Php at pinakamahal ang bote na 2000 Php galing sa date ng lolo at lola mo, 1920’s.

Processed with VSCO with c1 preset

That was Monday, mag-visit ako dapat sa Agoncillo’s Residence pero ‘nung time na yun, hindi sila open for visitors. Kaya nagpunta ako sa next vintage house, ang Apacible’s Residence. Maraming nakakalokang trivia from this house, (many thanks to Janine for touring me around) 

Processed with VSCO with c1 preset

Here’s one of many rooms from the ancestral house. Ito ang room ng Queen ng house. (ancient but elegant like you. haha)

Processed with VSCO with c1 preset

Ang bonggang bonggang dining area ng pamilya. Sobrang spacious nya noh? Sabi ng guide, madami daw helpers ang Apacible at that time so hindi naman namomroblema siguro ‘yung iba sa paglilinis ng mansion.

94976243-5F46-4716-8D48-CE9159E01A35.jpg

Ito yung pinakagusto kong part ng lahat. Ang lumang refrigerator/fridge, ‘nung una mayayaman lang ang may fridge kasi mayayaman lang ang makakapagpabili ng yelo sa ibang bansa. (yes, you read that right)

Sa mga bukas ng pinto na ‘yan, nakalagay ‘yung food tapos sa taas may nakalagay na yelo. (I forgot the country… sorry Janine) Samantalang ngayon, sa kapitbahay mo nalang ang tindahan ng yelo. (“yaya, pabili ng yelo… sa Italy” naimagine ko lang haha)

Processed with VSCO with c1 preset

(if I understood it right) renovated na ang part na ito ng bahay. Ito ‘yung mga gamit na madalas natin makita sa mga lolo at lola natin na bahay. Palayok, uso kasi sa Batangas ang Sinaing na Tambakol at (sabi ng lola ko) dito sa palayok ‘yun niluluto para mas masarap. Meron pang mga families sa Batangas na gumagamit nito sa pagluluto.

Processed with VSCO with c1 preset

In Batangas, we call this part Banggerahan. Madalas mo din ‘yun maririnig sa oldies kasi ang mga millennials ngayon, hindi na siguro yun alam. Dito naghuhugas at nagpapatuyo ng mga kitchen utensils. Sa tusok tusok na kahoy na yan, sinasabit ang mga baso (but again, konti nalang siguro ang may mga ganito sa bahay nila)

Ang jar na yan ay tinatawag na Tapayan. Batangueños used it as lagayan ng inuming tubig. Sabi ng guide, mas masarap daw ang tubig na nasa tapayan kesa nasa mga lalagyan ngayon. (walang gripo gaya ng nasa picture ang tapayan noon, sinasalok talaga ang tubig mula sa loob)

Tips:

You can also visit Taal Church (biggest Catholic church in Asia) and Camera Museum. Lahat ng mga places na ‘yan ay pwede mo lang lakarin. (ingat lang bes sa mga sasakyan. mejo mabibilis mga sasakyan sa part na ‘to)

Madadaming restaurants sa Taal and Lemery (kasunod na town ng Taal) na masasarap ang food at affordable. Post ako next time ng ilan sa mga pede nyong i-try. Bili ka din ng souvenir na Balisong, merong balisong na nasa ballpen, pendant atbp.

3. Pebble Beach Malabrigo Lobo, Batangas

Processed with VSCO with c1 preset

To complete your list, magbaon ka ng tan lines bago umuwi. (gusto mo yun alam ko) Here’s a beach escape for you sweetheart! Wohoooo!!

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Clean and clear! parang ‘yung pang-wash ng face.

Ako lang ang tao ‘nung time na ‘yun at sobrang sarap sa feeling na may makikita ka pang beach na walang tao at malinis. Maiba naman sa white sand, try mo ang pebble beach. (dito mo dalhin ang taong nagpaasa sayo, sabihin mo hagisan kayo ng bato. haha)

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Haaaaaaaaaay! Can someone take me back please?!

TRAVEL GUIDE:

From Lemery, pwede kang sumakay ng jeep going to Batangas city. Travel time: 1-2 hours. Fare is 30-40 Php. Lawas, ang terminal ng mga jeep, baba ka dun tapos pwede kang sumakay ng tricycle (fare 100 Php) going to the terminal papunta sa Lobo pero kung tipid trip bes, pwede ka din mag-jeep.

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Jeep tayo bes from Batangas city to Lobo. Travel time: 2-3 hours. Fare is 62 Php. Mag-stop ang jeep sa Poblacion, sakay ka ng tricycle papunta sa byaheng Malabrigo. Fare is 10 Php.

TIPS:

Huwag kang papayag sa alok ng mga tricycle drivers na 150 Php papuntang Malabrigo. 22 Php lang ang pamasahe kung maghihintay ng kasabay sa tricycle. (Alam kong gusto mong ma-feel na special dahil solo sa tricycle pero please bes, tipid trip diba?)

Processed with VSCO with c1 preset

After mo magswimming at pagsawaan ang dagat, punta ka sa Lighthouse/Parola. (sa pagkakaalam ko, 3 lang ang lighthouses sa Batangas: Cape Santiago, Punta Malabrigo at Talibeach Lighthouse)

Processed with VSCO with c1 preset

Kung magmumula ka sa dagat, akyat ka sa hagdan na to na mejo mataas pero keri lang. (Magpaalam muna kung pwedeng puntahan yung lighthouse.)

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Processed with VSCO with c1 preset

Bigla ko naalala, sobrang mababait ang tao sa Malabrigo. (thank you to the family of ate Marissa) Nagbigay sya ng discount sa resort. God bless you ate!

Processed with VSCO with c1 preset

There is discomfort and beauty in our home but don’t let it be unknown.

-Ms. Maligaya

Advertisements

2 thoughts on “Batangas, Philippines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s