Write This Space

8 Tips in Making Your Guest List

final

After almost a week ng proposal namin, nagsimula na kaming mag-brain storming ng mga gusto naming mangyare sa wedding namin. On top of the list na napagkasunduan namin, we want an intimate wedding.

Normal na sa tradisyon ng Pilipino na kapag ikakasal ang isang myembro ng pamilya, everyone has to be invited including the extended extended extended family. I knew this because I grew up witnessing that kind of weddings. (yung buong barangay invited) I’m not saying na panget or masama, may ibang couples na preferred talaga nila ‘to dahil mas nage-enjoy sila sa madaming tao.

But not for us. If you have read my blog He popped the question at Sirao Peak! nasabi ko dun na nasa character na ni Israel ang pagiging private. Kadalasan, hindi sya komportable kapag madaming tao at dahil dun, I learned the beauty of intimate wedding. We both agreed na limited lang ang guests na i-invite namin sa wedding namin. I came from a big family, so medyo hassle talaga ang gumawa ng Guest List. Marami din akong friends. (though hindi naman lahat ay Active friends) Because of that, naging problema ko ang limited number of guests pero I have to be firm with what we want. At the end of the day, it’s our wedding.

During the process of finalizing our list, I learned a lot of things that both bride and groom should consider on listing names and informing their guests. Here are some tips and questions to ask yourselves.

1. Prioritize the people who became part of your relationship.

Top priority mo syempre dito ang family mo. As for me, I have two sets of parents and two siblings and as for Israel, they are 4 in the family. Sa totoo lang, kapag andun na ang family members nyo, magiging masaya na ang kasal nyo.

Pero syempre, may mga special na tao na naging parte mula nung nanligaw, nagdate hanggang sa nagpropose. Ilan sa kanila ay kasali sa entourage namin. Most of them are our closest friends. (closest ha)

2. If they are part of your extended family, what’s their role on your wedding?

Medyo problema ‘to bes sa totoo lang. Normal nga kasi sa family namin na invited lahat. (as in lahat) Kahit pa pinsan ng lolo at lola mo. Pero sa kasal namin, pumili lang kami ng mga tao na may magiging role sa wedding namin like sponsors. I’m also considering Israel’s family. Our wedding will be held in Luzon and not everyone from his family can come. So, para sa mga brides, balance bes at makiramdam din sa mga grooms.

3. Do you have a penny for their meal?

Of course bes, budget…. budget. May buhay after the wedding. Masaya sana ang ma-invite mo lahat ng tao na gusto mong i-invite pero afford ba bes? Baka naman nasa 500 na ang guests mo pero pang-kape nalang ang kaya ng pera. Let’s be practical as well. (tapos may honeymoon travel pa kayo diba? cheret)

4. If they are your friends, do you talk to them regularly?

Or kahit na for the past 3-6 months bes. Nakakausap mo ba? Baka naman friends kayo like decades ago tapos hindi na kayo nagkakausap. At ito para sa mga brides, kilala ba yan ng groom mo? Always remember that this is you and your partner’s wedding… NOT YOUR BIRTHDAY PARTY. Invite lang natin yung parehas nyong kilala para mas masaya sa wedding day. Dibaaaa?

5. Be clear with your seat reservations.

Normal na ata sa mga Pilipino ‘yung magdadala ng isang extrang tao sa isang event na sila lang naman mismo ang ininvite. Bes, be clear and firm with your guests. Kung sila lang ang invited at hindi kasama ang buong family nya, sabihin mo para hindi sya/sila magdala ng extra.

6. Inform your guests ahead of time.

Kami magi-inform or nag-inform na sa iba super ahead of time. (like OA)

May mga guests kasi na manggagaling sa ibang bansa or kahit na nandyan lang pero kelangan mag-leave sa work so mag-inform agad. Send ka agad ng Save-the-Date lalo na para sa mga kelangan pang mag-plane papunta sa venue mo para makacheck din sila ng piso fare at accommodations nila at malay mo magplano din sila na mag-travel sa place na yun, makagawa din sila ng itinerary. (baka mamaya masisi ka pa na late ka nag-inform. haha)

7. Say No if needed.

May mga i-invite ka na makikiusap if they can bring their uyab/jowa/girlfriend/boyfriend. Say no if needed. Kung alam mo naman na hindi mo kayang isingit sa guest list mo at masisira din budget nyo, for sure, maiintindihan naman yan ni guest.

8. Would they make your wedding more fun?

I’m not saying na kelangan clown yung guest mo. Pero can you imagine walking down that aisle and seeing their happy faces on the side? Will you be happy if nandun sila? If yes, list their names!

That day is a celebration of love. Dapat masaya lang sa araw na yun. Everything will be perfect kapag nandun ang mga taong importante sa inyong dalawa. But at the end of the day, it’s between you and your fiance/fiancee, it is your day and you are allowed to feel happy and beautiful. (kung papapangetin ka lang nung guest mo, wag mo invite. haha)

Enjoy the preparation season. Huwag ma-stress bes, hindi nakakaganda. Alam kong excited kayo pero excited din ang mga taong mahalaga sa buhay nyo.

Congratulations in advance!

-Soon to be Mrs. Olaguer

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s